Saturday, January 21, 2006

Ligawan sa Kanto

This is something I did November 12 of last year. Its about courting someone with a little sense of humor with it.

Ligawan Sa Kanto

Alas-onse ng gabi
Usapan nating tayo'y magtatagpo
Sa isang tindahan sa kanto
Kung saan tayo'y uupo
Magkwekwentuhan
Magtatawanan
Mangangarap

Titingin sa langit
Hinahanap ang pinaka maning-ning na bituin
Mangarap ng gising
Na ika'y akin

Hwak ang 'yong kamay
Ulo mo'y nakasandal sa aking balikat
Napapabuntong hininga
Dahil di ako masaya

Dun tayo sa kanto
Magligawan buong gabi
Kahit sa isang saglit
Ika'y mapasa akin
At isiping ako'y iniibig mo din

No comments: