This one I made last November 11, 2005. I was doing this during my Rizal class and also on the way home while riding the MRT. Just want to try something different. Another social/political piece.
Sigaw
At ang katahimikan ang nangingibabaw
Sa katauhan mong uhaw sa katotohanan
Bawat kasinungalingan iyo na lang tinatangap
Kailan ka babangon?
Kailan mo bubuksan ang mata mo sa katotohanan?
Ika'y nakahandusay na parang walang buhay
Habang mga pangarap ng ibang tao
Ang bumubuo sa pagkatao mo
Na punung-puno ng kasa kasakiman at diskriminasyon
Isa kang ganid!
Isa kang trapo!
Ano ang silbi mo sa lipunan?
Kundi tapakan ang karapatan ng bawat isa
Sirain ang kanilang mga pagkatao
Pati ang mga kinabukasan at mga pangarap nila'y
Unti unti mong winawakasan
Kailan ka magbabago?
Kailan ka ba babangon sa kama ng korapsyon?
San patuntungo ang katulad mong manhid?
Kahit sigaw ng sambayanan ay di mo marinig
Tuesday, January 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment