Friday, December 09, 2005

Too much political angst

I just got zapped one way or another. Thanks for too much Dictal License in my MP3 player. I just suddenly felt to write and do another poem. This time, its more of like a social awareness thing.

Pag-babago

Bakit nga ba ganito ang himig ng musika?
Palagi na lang ba ito ang patutugtugin mo para sa madla?
Hindi ka na nakakatawa
Hindi na tama ang mga ginagawa mong pangungutya
Kailangan nang wakasan ang mga baluktot mong paniniwala

Paniniwala ng tao’y iyong binalutan ng kasinungalingan
Pawang mga pangako mo’y nilibing mo na
Kasama ang kanilang mga pangarap
Wala ka bang napapansin?
Ang pagbabago ang kailangan

Sinisigaw ng bawat uhaw sa katotohanan
Na ika’y lumisan sa iyong palaysong binabahayan ng kasakiman
Ang pagbabago sa lipunan ang minimithi
Di lang para sa kanilang kapakanan
Ngunit para sa lahat ng nakakarami

Puso ay nag aalab na
Bawat pagkilos ang nangyayari na
Panahon na para mag bago
Bumangon para sa makabagong paraan
Para sa sistemang wala nang kabuluhan

3 comments:

vayie said...

If there's one thing that I hate, it's politics! Everything about it.

Brian said...

yeah, I hate it too. But one has to make a stand about it right? Well not to the point that you are making the lives of other people miserable. I guess...

vayie said...

Hayy. Basta ako ang blog ko politics-free! Hehehe.