Here goes another on the spot composition that I made. It's been weeks that I'm experiencing sleepless nights. Due to some emotions that keeps on bugging me. And also the fact that there are some questions in my head that are in dire need of answers.
Lason
Nung una kang makita
Nagtila kang anghel na gagabay sa akin
Nagmistulang tala sa gabi
Dala ng yong mga mata'y, walang kupas na kagandahan
Ako'y naakit, nabighani, at umibig sa iyo
Inalay ko ang pag-ibig ko
Ganun din ang sa iyo
Mundo nati'y pinag-isa
Habang ang ating pagmamahalan, ang naging apoy sa bawat gabing tayo ay magkasama
Mga gabi na tayo ay naglalakbay sa kawalan
Iniiwan natin ang reyalidad ng buhay
Lumilipad papalayo sa kabihasnan
Papunta sa paraisong ating inaasam
Ngunit ako'y nilisan na
Lumilipad na nag-iisa
Dama ang kalungkutan, at ang sumpa na habambuhay kong pasanin
Namumuhay sa dilim
Ako'y nahihilo sa kakahanap sa iyo
Ni anino mo'y di makita
Kahit ang iyong himig ay nawawala na
Sumasamba kay Bathala, na ikay ibalik sa mga bisig ko
At muling pasiklabin ang apoy, na dati ay nasa ating mga puso
Ngayon ay wala ka na
Dama ko'y galit at poot, habang ako ay nagdurusa
Nasasaktan sa bawat araw na wala ka
Bawat araw na lumilipas
Buhay ko'y unti-unting nawawalang ng saysay
Para kang lason
Hindi ko namamalayan na ika'y nakamamatay
Para kang lason
Hindi ko man lang naramdaman ang biglaan mong pag-daloy sa aking mga ugat
Thursday, June 30, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment