Monday, June 12, 2006

Mantika matulog!

Listening to: Kanye West - We Don't Care (2004 College Dropout)
Right now, I feel: Wide Awake!

Anak ng tokwa!!! Grabe parang kailan lang ako nakipag-inuman kay Luis. Hahahaha! Balik muna tayo sa mga nangyari. Umuwi ako ika lima ng hapon ang natulog, nagising ng ala onse ng gabi. Nag blog at dama pa din ang alkohol sa katawan. Natulog ulit pagkatapos bandang mga alas-dos ng madaling araw. Namulat ang aking mga mata sa liwanag ng araw. Mga bandang ika-walo ng umaga. Nag internet agad at nakaupo lang sa harap ng mahiwagan makina na nagpapatakbo ng ibat-ibang bagay para sa akin. Nag ayos ng aking MySpace account. Sinasabi ko sayo, mas maganda ang MySpace ngayon kumpara sa Friendster. Kahit papano kung gusto ko makahanap ng mga independent artist mula sa ibang bansa, makikita ko sila dito. At sila pa ang magpapadala ng request para maging friend ka nila sa MySpace nila. Astig diba? Balik sa kwento, gising ako buong umaga hanggang hapon. Naisipan kong umidlip ng ilang oras para maka kain ng hapunan. Naisip ko na lang na sa sobrang bilis ng panahon di ko napansin na wala pa rin akong nagagawa at ala singko na pala ng hapon. Ayun, umidlip at naalimpungatan ako dahil sa liwanag na sumisilaw na naman sa aking mga mata. Isa pala siyang ilaw na naka sindi sa labas ng aking bintana. Naisip ko na bakit ang aga naka bukas ang ilaw, dapat ay mga bandang alas diyes o alas onse pa ang bukas nito. Sa loob ng aking isipan, mga ika walo or ika siyam lang ng gabi nun. Yun pala alas tres na ng madaling araw! Anak ng pulis na apat ang asawa naman oh! Ang haba na ng natulog ko. Parang nagpahinga lang ako sa pagtulog noon. Malamang gising na naman ako hanggang umaga nito. Good luck sa akin mga kaibigan. Haaay! Makapag porn na nga lang muna. Paalam mga kaibigan!

No comments: