Listening to: Queso - Furlan (2006 Queso)
Right now, I feel: Bad trip!
Let me rant what happened to me the past 5 days, let me speak in tagalog and please be warned. This post contains explicit words.
Nagkasakit ako. Ang sakit ng tiyan ko. Puta! Halos sampung beses ata ako tumatakbo sa banyo namin para mag-jam at ano? Daig ko pa ang babaing vain at naliligo bawat kalahating oras. Nyeta yan! So stick lang ako sa bahay, todo gatorade, todo diyeta. Isa pang um! yung pag-baba ng immune system ko. Naglinis ako ng kwarto ko nung biyernes. Alang ya labas lahat ng rashes sa katawan ko. Parang nagsisisigaw sila ng KALAYAAN! sa bawat braso ko at sa dibdib. Ang kati puta! Isa pang um! pero anong magagawa ko? Linis na lang. Nililinis ko noon ang keyboard ko nun. Biglang nung ibabalik ko na siya sa ps2 port ng computer ko. Biglang may naka bend na pin. Binalik ko sa dati, di gumana. So pang malas #3 ko na siya (magbilang ka para masaya). Tapos wala pa kong tulog simula ng ika-2 ng hapon ng huwebes. Pagod na pagod akong pumunta ng Ali-Mall para bumili ng keyboard. Para akong ninakawan sa presyo ng pesteng keyboard na yan! P410 (pesos) ang isa! Anak ng tinamaan ng duling oh. Ang mahal! Paguwi ko natulog na lang ako. Pag-gising ko ng umaga ng Sabado, ang hangin sa labas, malamig, nakapasarap ng tulog ko ng gabing yon! Sobra! Kaya pag-gising ko ay sinubukan kong gamiting ang computer ko para tingnan kung gumagana ba ang keyboard o depektibo ito. Pag kakantunin ka nga naman ng malas o! Nag-flactuate ang kuryente sa amin, 2 magkasunod na patay sindi ang nangyari sa computer ko. Ang resulta... Tunog ng tunog ang computer ko. Sinubukan ko nang alisin ang powe cables at IDE calbes ng mga hard drive ko at CD-RW ko. Pati ang RAM ko ay inalis ko na rin. Wala, tunog pa din ng tunog. Lekat yan! Pag talagang kakantutin ka ng malas talaga. So ngayon, kanina lang, nag-coach ako ng mga binata (di na sila bata. Mga isip bata oo) dito sa Cubao. Anak ng tokwa! Mga pasaway! Buti na lang di ako namatay sa konsumisyon sa kanila. Pano ba naman, pag sinabi mong magbigay ng screen sa kakampi nila, iba ang gagawin. And take note, nagrereklamo pa sila. Putang ina talaga! Buwiset! Wala ka na ngang computer, mag-eenroll ka pa, at ang malupit, wala ka pang pera. Naghahalo-halo na ang mga nararamdaman ko ngayon. Putek! Kailangan ko ng trabaho. Puta! Kailangan ko nang mapagawa ang computer ko. Haaaay! Malas talaga. Ano pa ba ang magagawa ko kundi kumapit lang at tingnan kung ano ang kayang gawan ng sulusyon ngayon at kung ano ang kailangan hingan ng tulong. Oh, well... Buhay nga naman parang life...
Ay oo nga pala, kailangan ko ring bumili ng black ink para sa printer ko. Boooset talaga!
Sunday, May 14, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ayos. kung minamalas ka nga naman talaga.
Post a Comment