Listening to: Asian Dub Foundation - Fortress Europe (2003 Enemy of the Enemy)
Right now, I feel: Hyper
After posting my previous blog. I did my laundry at 2 in the morning! That is 2 in the morning?!?
Pero mag-tatagalog na lang muna ako. Ala e. Di ako inaantok, so naisipan kong maglaba. Ayoko namang lumipat sa Quezonc City na madaming maruning damit na dala. Hassle lang yun diba?
Pagkatapos ko maglaba e sinundo ko ang girlfriend ko sa opisina niya. Kumain sa McDo tapos konting kwentuhan. Habang papauwi na ko sa apartment ko nagiisip ako ng kung anong pwede pang gawin. Para lang antukin! Hindi ako uminom ng kape at lalong di ako bumatak. Ayoko nun. Organic ako e. Damo lang ang alam ko! Hindi ko alam kung bakit di ako makaramdam ng antok ngayon. Naligaw ata papunta sa amin. Baka kailangan pa ng antok ko ng mapa para lang makapunta sa amin.
Balik sa tayo sa kwento ko. Ayun, nagiisip nga ako ng kung anong gagawin. Naisipan ko na lang mag internet ulit at tingnan ang aking blog. Baka may mga nagbabasa na kasi ulit nito. Buti naman at meron. Salamat sa kay Eymi. Pero bukod dun may inisip pa kong gawin. Iniisip ko talaga yun habang papauwi pa ko. Mag check ng Twitter? Maglagay ng bagong kanta sa Blip.fm? Kulang pa din e. Sa kakaisip ko lumagpas pa ko ng bababaan ko. Muntikan pa kong makarating ng SLEX. Lakad pa ko ng bonggang bongga! Habang naglalakad e iniisip ko pa din kung anong gagawin ko. Sakit pala sa ulo ang may insomnia. Mahirap mag isip ng mga bagay bagay, lalo na kung gusto mo lang antukin at halos isang araw ka nang walang tulog. Habang naglalakad ako e naisip ko bigla ang gagawin ko. Naalala ko yung joke ko sa girlfriend ko kagabi nung hinatid ko siya sa opisina niya (Bait ko no?). Gusto ko kasing magkaroon ng tattoo. At sinabi ko na ang gusto kong tattoo e yung "UE-Letre, Tungko-Ibabaw". Mga bus route!
At alam niyo ba kung kanino ko nakuha ang joke na to? Walang iba kundi kay:
Yep kay Ramon Bautista. Kilala niyo na siya. Sa dating TV show na Strangebrew, mga music videos at sa mga radio shows niya. Nakakagulat lang kasi na pati commercial e pinasok na din niya. Isa na siyang pop icon. Idol ko na tong taong to!
Eto ang mga videos niya galing sa MTV show na The Ramon Bautista show:
Dito ko nakuha yung bus route. Hehehehehe!
Dito sa video na ito, pinapakita ni Ramon na game siya. Kahit kubeta pa ang nasa harap niya!
Isa ito sa mga video na kasama sa progrma ng NU rock awars noong 2007.
Isa sa mga additional videos kasama sa Petron commercial.
Astig talaga tong si Ramon. Mabuhay ka Ramon Bautista!
Saturday, July 04, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Sino yung girl sa picture? Siya rin ba yung sa senpuki lessons?
Post a Comment